Featured

First blog post

This is the post excerpt.

Advertisements

This is your very first post. Click the Edit link to modify or delete it, or start a new post. If you like, use this post to tell readers why you started this blog and what you plan to do with it.

post

Ako, Ikaw, Tayo.

Ako, ikaw, tayo.

Mula nang isinilang sa mundong ito,

Ngiti ng ating magulang ang una nating nasilayan.

Ngiting nagsasabing ” anak kami ang iyong magulang,

ang iyong magiging sandigan sa oras ng pangangailangan”

Tayo ang munting anghel na

Kanilang kinahalinang pagmasdan,

Bawat luha mo’y, luha din nila.

Bawat saya mo’y, saya din nila.

 

Silay gising sa lumalalim na dilim,

Hanggang sa ikay makatulog ng mahimbing.

Lamok may di hahayaang ika’y kagatin,

Kahit init ng panahon ay kanilang papawiin.

Sayong pagdating kay daming nagbago

Oras ng pagtulog,pagkain, at oras sa trabaho.

 

Mula sayong kinagisnan at kasalukuyan.

Madami kang nasubaybayan

Gaya ng nakikita mong nag tatalo ang iyong magulang,

Na dimo alam kung ano ang pinagsimulan.

“Isang pamilya tayo” salitang paulit ulit mong nadidinig,

Na para bang ngayo’y ito’y isa na lamang kathang isip.

 

Habang ika’y lumalaki

Madami ka ng naisasantabi

Gaya ng oras na dapat sa pamilya

Ngayo’y sa kaibigan muna.

Ika’y Nagsimula nading humanga sa isang nilalang,

Na minahal mo gaya ng pag-ibig mo

Sa iyong mga magulang.

 

Sa bawat oras na tumatakbo

Kay daming nagbabago,

Gaya ng pagmamahal at buhay ng magulang mo

Na kung hahayaan mo’y

Ito’y maglalaho gaya ng isang

Bula na pumutok at kahit kailanga’y di muna mabubuo.

 

Sa bawat sigundo, minuto, at oras dito sa mundo

Wag mong isa walang bahala ang magulang mo,

Dahil sila ang kumalinga at humubog sayo.

Mula ng isinilang ka sa mundong ito.

Tinuruan kang magbasa,at sumulat, ng magulang mo.

 

Kaya ikaw,ako,tayo

Magpasalamat sa maykapal

Dahil binigyan tayo ng isang magulang

Na hindi man perpekto,

Ngunit mahal naman tayo ng buong-buo

 

 

 

 

Ako, Ikaw, Tayo.

Ako, ikaw, tayo.

Mula nang isinilang sa mundong ito,

Ngiti ng ating magulang ang una nating nasilayan.

Ngiting nagsasabing ” anak kami ang iyong magulang,

ang iyong magiging sandigan sa oras ng pangangailangan”

Tayo ang munting anghel na

Kanilang kinahalinang pagmasdan,

Bawat luha mo’y, luha din nila.

Bawat saya mo’y, saya din nila.

 

Silay gising sa lumalalim na dilim,

Hanggang sa ikay makatulog ng mahimbing.

Lamok may di hahayaang ika’y kagatin,

Kahit init ng panahon ay kanilang papawiin.

Sayong pagdating kay daming nagbago

Oras ng pagtulog,pagkain, at oras sa trabaho.

 

Mula sayong kinagisnan at kasalukuyan.

Madami kang nasubaybayan

Gaya ng nakikita mong nag tatalo ang iyong magulang,

Na dimo alam kung ano ang pinagsimulan.

“Isang pamilya tayo” salitang paulit ulit mong nadidinig,

Na para bang ngayo’y ito’y isa na lamang kathang isip.

 

Habang ika’y lumalaki

Madami ka ng naisasantabi

Gaya ng oras na dapat sa pamilya

Ngayo’y sa kaibigan muna.

Ika’y Nagsimula nading humanga sa isang nilalang,

Na minahal mo gaya ng pag-ibig mo

Sa iyong mga magulang.

 

Sa bawat oras na tumatakbo

Kay daming nagbabago,

Gaya ng pagmamahal at buhay ng magulang mo

Na kung hahayaan mo’y

Ito’y maglalaho gaya ng isang

Bula na pumutok at kahit kailanga’y di muna mabubuo.

 

Sa bawat sigundo, minuto, at oras dito sa mundo

Wag mong isa walang bahala ang magulang mo,

Dahil sila ang kumalinga at humubog sayo.

Mula ng isinilang ka sa mundong ito.

Tinuruan kang magbasa,at sumulat, ng magulang mo.

 

Kaya ikaw,ako,tayo

Magpasalamat sa maykapal

Dahil binigyan tayo ng isang magulang

Na hindi man perpekto,

Ngunit mahal naman tayo ng buong-buo

 

 

 

 

LOVE o PAG-MAMAHAL !

Isang emosyon na kung saan dadalhin ka sa ibat-ibang sitwasyon,
Sa sitwasyon na hindi mo alam kung ano nga ba ang pwedeng solusyon,
Kung kakapit kapa ba o dapat na bumitaw na.

Isang emosyon na kung saan papaasahin ka sa taong alam mong kaibigan kalang niya,
Sa taong ang pinipintig ng puso niya ay iba,
Emosyon na maraming luha ang pumatak, maraming puso ang nawasak.

Ito’y isang emosyon din na dapat ibinibigay sa Taong karapat-dapat,
Sa tong alam mong ikaw lang sapagkat,
Ang LOVE ay hindi minamadali,
Paniwalaan mo yan at wag mag atubili.

PILIPINAS

 

“O Pilipinas, ang ganda mo’y kaakit akit

Kaya’t mga karatig bansa’y ika’y binabalik balik

Hindi mo lang alam dito sa mundong ibabaw

Ganda mo ay mala rosas na palaging lumilitaw

 

Humihingi kami ng paumanhin sa lahat ng basura

Ang gandang taglay mo’y unting nasisira

Ipinagkatiwala ka sa amin ng Diyos

Pero asal-hudas kami, kapaligiran mo’y hindi na maayos

 

Kakaining-itik ang pagtrato namin sa iyo

Kaya’t malalang tag-init dito at doon

Kidlat sa bilis ang iyong pagbabago

Isang araw sobrang init, bukas may bagyo

 

Umaraw umulan, kahit anong panahon

Ika’y napupuno ng maraming kurapsyon

Puno ng opisyal ng iyong gobyerno

Nagsisitubong pusong bato

 

Hasang-hasa ka nang inaapi ka ng ibang bansa

Ika’y minaliit kaya ang loob mo’y masama

Ikaw ay kanilang inaapi sapagka’t sa totoo

Gusto nila ang iyong kayamanan mula Batanes hanggang Jolo

 

O, Pilipinas, ang ganda mo ay buwan sa gabi

Nag bibigay liwanag sa mundong madilim

Hindi kami susuko ika’y mas respetuhin

Sana malaman niyo ito’y mula sa aming damdamin”